sa wakas ay nag paramdam na sya sa akin kagabi! na iyak ako sa tuwa! ang babaw kasi lng luha ko eh. hindi ko mapigilan. habang nag uusap kami sa telepono ay tumutulo na ang luha ko. magkahalong saya at galit kasi ang dumadaloy sa aking katawan noon. masaya ako dahil nagka usap kami sa telepono pero may galit pa sa aking puso dahil bakit ngayon lng sya tumawag at ipina abot pa niya sa punto na nasasaktan na ako.
but, as we talked, i understand why he was doing it. kaya huminahon na ako.. mas mahirap kasi na ikaw ang maiwanan kaysa ikaw ang iiwan. I've been there also in that situation. ng kailangn sya ilayo sa akin ng mga magulang niya for two months dahil may kasalanan siyang nagawa at gusto ng magulang niya na matuto sya from his mistakes.
sa boses pa lng niya ay naramdaman ko na mahal na mahal niya ako. di ko ma explain basta yun ang narandaman ko. masarap pag may nagmahal sa iyo ng lubos. pero huwag niyo lang sana ito i take for granted. kung ayaw niyo, maging honest kayo sa inyong mga feelings pero kung mahal ninyo, huwag na kayong magpanggap pa.. sabihin niyo na agad.
pagka gabi, ay nagka usap na naman kami kaya hindi mwala ang mga ngiti sa aking labi.. sabi niya sa akin "i love you".. totoong-totoo ang pagkasabi niya. kaya ako na rin ay na pa i love sa kanya. ang swerte ko naman sa boyfriend ko.. alam niya na hindi ko pa iniisip na sya na sya na ang magiging asawa ko. i don't want to expect dahil napakasakit pag hindi natupad expectations ko na sya na ang magiging asawa ko.. hinihintay lang namin dalawa kung saan ang patutunguhan ng aming pagmamahalan..
kaming dalawa ay hindi perpekto pero natutunan namin tanggapin ang aming pagiging imperpekto.. plano namin, i settle muna namin ang aming mga sarili para sa aming kinabukasan di lng sa aming dalawa kundi para na rin sa aming mga pamilya..
bgo ako natulog, nag text sya na "ur always b a part of my lyf, i wud trade my soul dutz 2 b wid u.. be strong my dutz.. luv u!"
No comments:
Post a Comment