habang sinusulat ko ito, ay na ka upo ako sa isang upuan at ang computer ay na sa side table ng aking higa-an. sa harap ko ay isang bintana kung sa-an ay nakatapat din sa bintana ng isang bahay na wla pang nakatirang tao. pero, may isang klaseng puno na matatanaw ko bago pa ang nasabi kong bintana. sa puno, o "tree" sa ingles, ako na focus.
ang simple kasi ng buhay niya. lupa, sikat ng araw, tubig, at hangin lang ang kanyang mga pangangailangan upang sya ay mabuhay. para sa akin, ito ang buhay ng mga puno.. syempre, pinaka importante na kailangn nila ng lupa para ito ang magsisilbing bahay nila hanggang sa hanggan. sa kanilang buhay, kailangn nila ng sikat ng araw para magsisilbing vitamins at ng magkaro-on sila ng energy na sila pa ay tutubo ng malusog at maganda. kung sila ay nauuhaw, ay iinum nmn sila ng tubig. sisipsipin ito ng kanilang mga ugat para ma idestribute sa kanyang bu-ong katawan para namn mag pa refresh at hindi ma dehydrate. ang recreational activity naman ay ang mga oras na ang kanilang mga dahon at katawan ay parang sumasayaw. sumusonod sa galaw ng hangin..
isa na siguro sila sa mga ultimate participante dito sa ating planeta dahil kaya nilang labanan ang lahat ng problema meron ngayon.. nasusugatan sila pero hindi dumudugo. may malakas na baha o bagyo pero sila ay lumalaban pa rin. at matagal silang manghina.
naiingit lng kasi ako sa puno na nakikita ko dito sa may bintana namin. parepareho kasi kami ng style sa pag survive sa buhay. ang lupa ay ang aking pamilya na hindi ako iiwan mgpakailanman. ang sikat ng araw ay ang aking mga experiences sa buhay. ito mn ay good or bad experinces na syang humohubog sa aking pagkata-o. ang ulan, taliwas sa iba, ay para sa akin ang Pangino-on. Siya ang ulan dahil sa panahon na nka expose ako sa sikat ng araw, akoy uhaw na uhaw ng tulong galing sa kanya dahil sa napakarami kong dapat pagda-anan sa buhay, matuwid lang ang buhay ko. at sa panahon na darating na ang ulan, mararamdaman ko na na akoy mahal parin niya. bawat drops ng ulan ay sinasabi niya, ito mga regalo ko sa iyo, huwag ka lang susuko, magtiwala ka lang sa akin, gawin mo ang dapat mong gawin, at ipapangako ko na nasa tabi mo lang ako parati. hindi ko man sya parating makasama ay alam ko na nkatingin pa sya sa akin at naghihintay ng tyempo kung kelan papasok para naman ako may matuto.. ika nga, "do your best, and God will do the rest". ang hangin nmn ay ang aking pagmamahal sa sarili. kailangn ko mag unwind or magpahinga pagkatpos mkipagsapalaran sa buhay..
pero kung pareho kami ng takbo ng buhay, bakit hindi ako matatag tulad niya? kailangang ko na yatang gumising sa katotohan na ako ay isang tao at siya ay puno.. salamat na rin sa iyo puno dahil ipina realize mo sa akin ang halaga at ganda ng buhay...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment