Thursday, February 12, 2009

84 years

pumanaw na ang lolo ko noong february 11 at the age of 84. he died peacefully sa bahay niya sa surigao del sur. nkalulungkot mn isipin, pero tanggap na namin lahat ang nangyari.

ang lolo ko ay 50%chinese at 50%filipino. tatay niya pure chinese. isang magaling at kilalang photographer ang lolo sa aming lugar. isa sya sa mga nagsimula doon ng mga studio para mag pa picture ang mga tao. nagsimula sya noong mga early 1950's. naging official photographer sa isang pribadong skwelahan kung saan ang mga anak niya pati kaming mga apo niya ay doon nag kinder hanggang highschool. naabutan pa nga niya ang youngest namin na nag aaral at ang lolo ko parin ang kumukuha ng picture para sa school id.:=) sampu lahat ang kanyang mga anak at ang mama ko ang eldest. may picture pa si mama noong grade 1 pa sya na si lolo ang kumuha. oo, totoo yan kasi tinago ni lolo lahat ng mga collection niya ng pictures na kuha niya noon pa man. kaya nga lng daw, sabi ni ng kuya ko ay may ilang litrato na nasunog pero maramirami pa rin naman ang naiwan at nitago kaya nami ito nkita pa.

ang gandang tingnan ng mga litrato. parang hiraya manawari noon na mkikita at mararamdaman mo ang mga pangyayari. nkatutuwa rin dahil completo kami ng mga anak at apo niya na may baby pictures. :=) meron din syang mga sina unang mga camera na pwde nang ituring na antique. tapos may pagkakataon pa kami ng sister ko na ipa dedeliver niya ng pictures sa mga bahay ng customers niya kaya nakilala rin kami na apo niya.. hindi ko yun ikinahihiya dahil kung wla ang lolo ko, wla silang remembrance na maitatago sa kanilang mga special na occation.

marunong pa rin mg mandarin ang lolo ko, memorize pa niya ang pambansang awit ng amerika. alam niya kung ano ang mga nangyari noong world war II dahil na experince na yun. kaya naging barretto apelyido niya dahil naa abutan pa niya ang panahon ng mga kastila na kailangn palitan ng mga pilipino ang kanilang mga apelyido.. ang dami na niyang pinga daanan na panahaon na kung i kukwento niya lahat sa amin ay aabutan kmi ng 48 years.;=)

may plano ang kuya ko na gawan si lolo ng tribute dahil sa kanyang contribution sa mga tao sa aming lugar. i popost ni kuya lhat ng collection niya ng mga litrato simula 1950's ata. at ito pa ang pinakahanga niyang naitago, ang picture ng great grandfather namin na pure chinese noong 1911! wow! ang galing ng lolo ko..

No comments:

Post a Comment