Wednesday, February 11, 2009

ikaw nmn sa tayong dalawa

mag sesenti muna ako ngayon kasi valentines na naman.

ikaw at ako ang bida ngayon. alam ko may trabaho ka every 2am hanggang 10.30am. minsan nga until 1.30pm. oo, nkakapagod ang trabaho mo. pero sasakit ba ang mga daliri mo pag ititext mo ako? kahit yan man lang. hindi na nga ako nag demand na tawagan mo ako kasi alam ko mahal na ang load ngayon. malayo na tayo sa isa't isa, wla pa tayong masyadong communication. aba, unti-unti mo na akong sinasaktan ah.

akala mo siguro masayang masaya ako dito. akala mo na masaya ako dahil nandito ako tapos nandyan ka, at pwde ko nang magawa ang mga gusto kong gawin na ayaw mo. akala mo siguro ikaw lang ang nag aadjust sa sitwasyon natin, ako rin naman. kaya sana mag text ka namn kahit isa sa isang araw, okay na ako dun.

kagabi, umiyak ako ng dahil sa iyo. tinext na kita na "..., if you have time, please call me.. pls. hearing your voice makes my day complete." wla pa rin akong natanggap na reply kahit text or miscall na galing sa iyo hanggang ngayon. ganyan ba ang style mo sa pag aadjust sa situation natin na malayo na tayo sa isa't isa? eh nasa pilipinas lng nmn tayong dalawa.

masakit na para sa akin. nahihirapan na kitang intindihin. ganyan na ba ka manhid ang damdamin mo? hindi ka naman ganyan dati. huwag mo akong sanayin kasi masasasanay talaga ako. kahit sabihin mo sa akin na ginagawa mo ito para sa ating dalawa, mag hinay-hinay ka lng DZ dahil hindi magiging maganda ang takbo ng ating kwento bilang magsing-irong sa pelikula na ipinalalabas ngayon sa aking puso.

sayang, malapit na sana ang valentines day tapos ganito pa tayo. masaya sana kung wla tayong problema at buong puso tayong magbati-an na.. "happy valentines my..."

i miss you badly because im still loving you.. sana alam mo yan.

No comments:

Post a Comment