noong linggo ay isa sa pinakamasaya kong araw dito sa manila.
ito ang mga nangyari kung bakit nasabi kong masaya.. nagkita kami ng kaibigan kong si brigitte at ang pinsan niyang si rali. nagsimba muna kami sa chapel doon sa greenbelt. wala kaming upo-an, pero may nasasandalan namn kaming sementadong parte ng chapel..
pagkatapos ay nananghalian muna kami sa isang restaurant malapit sa landmark. maraming salamat nga pala kay rali dahil nilibre niya kami. muli, pagkatapos ng ilang buwang paghihintay, ay nakatikim ako ulit ng corn soup! napakasarap!! hindi ko lang sinabi sa kanila na napasaya ako sa corn soup dahil matagal ko na itong inaasam-asam mula nong dumating ako rito.
ayun, busog na kami. pumunta kami sa intramuros manila, humabol ang ate ko para may kasama ako pauwi. pinuntahan namin ang wow philippines at napatingin sa mga exhibit doon. paglabas sa area, ay may mga kubo na nagtitinda ng mga kakanin. masayang masaya na naman ako dahil nakakain ako ng pancit malabon, puto bongbong, at ang napakasarap sa lahat ay ang super TAHO! hindi ko naitago ang aking kasiyahan sa pagkain ko muli ng taho at sinabi ko ito ky ate. napatawa na lamang siya.:-)
ang pakiramdam ko kasi n0n ay at home ako. nagka reunion kami ng ilan sa mga paboritong kong pagkain na matagal ko nang hinahanaphanap dito sa maynila. para rin akong akong nakawala sa isang box. ang sarap maging masaya dahil kapiling mo sila, mga kaibigan mo at mga paborito mong pagkain.:-) sana maulit muli.
huwag kang mag alala blog dahil kikwentohan kita kung magkikita naman kami ni isaw, kwek2, guso, sea shells, at buko juice na nata de coco.:-) mghintay ka lang sa liham ko.
hanggang dito nalang blog dahil maliligo muna ako. ang init na kasi dito eh, polluted pa.
bye,
yak-yak
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
mao. nagenjoy pud ko yak, labi na tong sa starcity. kato ang pinaka best and worst of all.
ReplyDeletegiapil nako sa akong blog ang katong kabuang nato sa surf dance nga ride. hahahaha
ReplyDelete