Monday, March 16, 2009

aking mga pa-a

nang nasa davao pa ako, at siguro maski noong sanggol pa ako, na realize ko na ang mga pa-a ko pala ay hindi katulad ng mga magagandang pa-a ng ibang babae na maski sa pa-a mo lang tingnan ay malalaman na na ang taong iyan ay babae.

iba ang mga pa-a ko. parang panglalake sabi ng auntie ko at parang sa manok din daw sabi ng kaibigan ko.hehe natatawa lang ako.:-) tanggap ko naman kasi eh. syempre completo mga toes ko, hugis pa-a naman, yun nga lang ay parang panglalake at chicken feet ang hitsura.hehe

anyway, mahal ko naman ang mga pa-a ko. pagkatapos i scrub sa pagligo ay nilalagyan ko ito ng lotion pagkatapos. wala rin akong kalyo di tulad nang iba. malinis din ito parati. lahat ng iyan ay noon nasa davao pa ako..

pagdating ko dito sa maynila, hay naku, awang awa ako sa mga pa-a ko. kakatapos ko lang maligo at nilotionan ito, ay ilang minuto lang, para puno na ito ng alikabok at kalyo, kahit naka tsinelas ako parati dito sa bahay. hinuhugasan ko, pero marurumihan parin. kung pwde lang ipahinga muna ang mga pa-a ko at ang natitirnag parte lang ng katawan ko ang gagalaw, para hindi lng sya mapagod at marumihan, ay gagawin ko. naawa ako sa kanya dito dahil, pangit na nga hitsura siya, ay magkakaro-on pa sya ng kalyo, mukha na talaga itong mga pa-a ng manok. naku, turn off na yan, pati ako, matuturn-off na sa kanya.hehe

buti nalang, nilibre ako ni ate ng foot spa. ayun, parang nka hinga ng magandang hangin ang mga pa-a ko. kuminis ito muli, wla ng kalyo at malinis na. ayan mga pa-a ko, masaya ka na muli. ingatan mo lang parati ang sarili mo dahil matagal tagal pa tayo mkakabalik dito sa salon para pa foot spa naman kasi wla akong budget.:-) cguro pag nka abroad na ako, pwde na buwan-buwan.

mahal kita mga pa-a ko kanit hindi ka perpekto dahil sa iyo, natuto akong tumayo at maglakad sa paglalakbay ko sa aking buhay. di bali pangit ka, mag sasapatos ako parati pag aalis ako ng bahay para hindi ka mahihiya.:-)

1 comment: