Monday, March 16, 2009

aking mga pa-a

nang nasa davao pa ako, at siguro maski noong sanggol pa ako, na realize ko na ang mga pa-a ko pala ay hindi katulad ng mga magagandang pa-a ng ibang babae na maski sa pa-a mo lang tingnan ay malalaman na na ang taong iyan ay babae.

iba ang mga pa-a ko. parang panglalake sabi ng auntie ko at parang sa manok din daw sabi ng kaibigan ko.hehe natatawa lang ako.:-) tanggap ko naman kasi eh. syempre completo mga toes ko, hugis pa-a naman, yun nga lang ay parang panglalake at chicken feet ang hitsura.hehe

anyway, mahal ko naman ang mga pa-a ko. pagkatapos i scrub sa pagligo ay nilalagyan ko ito ng lotion pagkatapos. wala rin akong kalyo di tulad nang iba. malinis din ito parati. lahat ng iyan ay noon nasa davao pa ako..

pagdating ko dito sa maynila, hay naku, awang awa ako sa mga pa-a ko. kakatapos ko lang maligo at nilotionan ito, ay ilang minuto lang, para puno na ito ng alikabok at kalyo, kahit naka tsinelas ako parati dito sa bahay. hinuhugasan ko, pero marurumihan parin. kung pwde lang ipahinga muna ang mga pa-a ko at ang natitirnag parte lang ng katawan ko ang gagalaw, para hindi lng sya mapagod at marumihan, ay gagawin ko. naawa ako sa kanya dito dahil, pangit na nga hitsura siya, ay magkakaro-on pa sya ng kalyo, mukha na talaga itong mga pa-a ng manok. naku, turn off na yan, pati ako, matuturn-off na sa kanya.hehe

buti nalang, nilibre ako ni ate ng foot spa. ayun, parang nka hinga ng magandang hangin ang mga pa-a ko. kuminis ito muli, wla ng kalyo at malinis na. ayan mga pa-a ko, masaya ka na muli. ingatan mo lang parati ang sarili mo dahil matagal tagal pa tayo mkakabalik dito sa salon para pa foot spa naman kasi wla akong budget.:-) cguro pag nka abroad na ako, pwde na buwan-buwan.

mahal kita mga pa-a ko kanit hindi ka perpekto dahil sa iyo, natuto akong tumayo at maglakad sa paglalakbay ko sa aking buhay. di bali pangit ka, mag sasapatos ako parati pag aalis ako ng bahay para hindi ka mahihiya.:-)

dear blog

noong linggo ay isa sa pinakamasaya kong araw dito sa manila.

ito ang mga nangyari kung bakit nasabi kong masaya.. nagkita kami ng kaibigan kong si brigitte at ang pinsan niyang si rali. nagsimba muna kami sa chapel doon sa greenbelt. wala kaming upo-an, pero may nasasandalan namn kaming sementadong parte ng chapel..

pagkatapos ay nananghalian muna kami sa isang restaurant malapit sa landmark. maraming salamat nga pala kay rali dahil nilibre niya kami. muli, pagkatapos ng ilang buwang paghihintay, ay nakatikim ako ulit ng corn soup! napakasarap!! hindi ko lang sinabi sa kanila na napasaya ako sa corn soup dahil matagal ko na itong inaasam-asam mula nong dumating ako rito.

ayun, busog na kami. pumunta kami sa intramuros manila, humabol ang ate ko para may kasama ako pauwi. pinuntahan namin ang wow philippines at napatingin sa mga exhibit doon. paglabas sa area, ay may mga kubo na nagtitinda ng mga kakanin. masayang masaya na naman ako dahil nakakain ako ng pancit malabon, puto bongbong, at ang napakasarap sa lahat ay ang super TAHO! hindi ko naitago ang aking kasiyahan sa pagkain ko muli ng taho at sinabi ko ito ky ate. napatawa na lamang siya.:-)

ang pakiramdam ko kasi n0n ay at home ako. nagka reunion kami ng ilan sa mga paboritong kong pagkain na matagal ko nang hinahanaphanap dito sa maynila. para rin akong akong nakawala sa isang box. ang sarap maging masaya dahil kapiling mo sila, mga kaibigan mo at mga paborito mong pagkain.:-) sana maulit muli.

huwag kang mag alala blog dahil kikwentohan kita kung magkikita naman kami ni isaw, kwek2, guso, sea shells, at buko juice na nata de coco.:-) mghintay ka lang sa liham ko.

hanggang dito nalang blog dahil maliligo muna ako. ang init na kasi dito eh, polluted pa.

bye,

yak-yak

Tuesday, March 3, 2009

summer

summer time again.

more heat and more sweat.

slippers rather than shoes.

sleevless rather than tshirts.

shorts rather than pants.

short hair is more in than long hair.

sunblock is usefull than the ordinary lotion.

fruitshakes are more refreshinh than softdrinks.

fresh air is more soothing than aircon.

living is more exciting than surviving.

welcome SUMMER!